Thursday, February 26, 2009

Ang Junk Shop

I – Panimula

A. Panukalang Pahayag

Ang mga basura madumi man at mabaho ay napapakinabangan din at nagbibigay kabuhayan sa isang tao sa pamamagitan ng pagtatayo ng Junk Shop. Gaya nga ng sabi nila “ May pera sa basura”

B. Introduksyon

Ang pagsubok na hinarap ni Aling Trinidad Climaco ay lalong nagpatibay at nagpalago sa kanilang negosyo na Junk Shop. Ang pagsubok na ito ay ang pagpapatayo ng Junk Shop na kung minsan ay hindi rin naman nakakasigurado kung lalago o babagsak. Ang pagharap sa pagsubok na ito ay nagsilbing gabay at tulong sa pagtatayo ng negosyo.

Napili naming interbyuhin ang isang negosyante ng Junk shop. Ito ay si Aling Trinidad Climaco na nakatira sa Taytay, Rizal. Napag-alaman naming ang tungkol sa kanya ng dahil sa isang miyembro namin. Si Aling Trinidad ay nagmula sa hirap na ngayon ay mayaman na. Isang magandang halimbawa ng mga taong yumaman from rags to riches.

C. Rebyu / Pag-aaral

Ilan sa mga tao dito sa Pilipinas ang malimit natin naririnig na sa hirap. Galing sa mga pagtutulak lamang ng kariton na ngayon ay mayaman na gaya ni Willie Revillame.

Mayroon din naman dati ay street vendor lamang gaya ng dating ipinagmamalaki at kilala na sa buong mundo mula sa Gen. Santos City na si Manny Pacquiao. Ilan lamang sila sa mga kilalang tao sa Pilipinas na ngayon ay maganda na ang buhay dulot ng kanilang pagsisikap sa buhay na puno ng pagsubok. "Rugs to Riches" ang tawag nga ng marami. Sila ang mga taong nais humiwalay sa napakahirap na estado nila sa buhay. Sila ang mga taong kung titignan natin ay maaring maging modelo ng maari para umunlad sa buhay. Sila ang mga taong nais magkaroon ng pagbabago at marahil para sa ilang mga tao o miyembro ng mga pamilya nagsisilbing bayani sila sa ating mga buhay.

Lingid sa ating kaalaman na may pera sa basura. May mga basura na binibili ng mga junk shop gaya ng lata, papel, plastic at marami pang iba.
Kung ang bawat municipality ay makikipag kasundo sa mga junk shop na sila na ang mangulekta ng basura na pwedeng bilhin sa mga mamamayan. Marahil ang dump site ng basura ay magkakaroon ng maraming mailululan.
Bukod dito, kaunti na lamang ang basura na koko lektahin ng track ng gobyerno. Sa ganitong paraan hindi agad mapupuno ang tapunan ng basura o ang Dump Site.

D. Layunin

Layunin ng pananaliksk na ito na makapag-ambag sa mga pag-aaral ukol sa Negosyo, Eknomiya at buhay ng mga negosyanteng nagsimula sa basura

Isang layunin ng pag-aaral naming ay para makapagbigay ang aming pinag-aaralan ng inspirasyon sa mga taong nawawalan ng pag-asa na umasenso o makaraos sa hirap ng buhay.

Gayun pa man layunin din nito makapagbigay ng ideya o paraan sa mga taong nagsusumikap sa pag-asenso. Ipaparating ng pag-aaral na ito ang mga kasagutan sa kahirapan ay tanging pagsisikap at diskarte para makaangat sa ano man ang iyong kinakatayuan sa buhay.

Layunin rin nitong mabago ang pagtingin ng mga tao sa basura, na sa basura ay maari rin tayo kumita at higit sa lahat layunin rin nito na mamulat ang tao na ang mundo ay puno man ng mga pakikibaka ay may pag-asa pa rin naman din na pwede pa makamit.

E. Halaga

Ang aming pinag-aaralan ay makakapagbigay ng tulong sa mga tao sa larangan ng Business Management o pagnenegosyo. Ito ay magiging malaking tulong sa mga taong nais magtayo ng negosyo maging Junk shop o ibang klase man ng negosyo. Maipapakita ng mga pag-aaral na ito na ang pagnenegosyo ay maaring hindi agad magsimula na malago at lalago pa lamang ito sa patuloy na maayos na pagpapatakbo.

Maliban pa sa kahalagahan nito sa negosyo ang Junk shop ay may importansya din naman ito sa kapaligiran(environment). Ang tamang paghihiwalay ng mga basura na hindi nabubulok ay maaring isang dahilan para magkaroon na isang malinis na kapaligiran.

F. Konseptuwal na balangkas:

Si Aling Trinidad Climaco ay may maliit na bahay kung saan ay pinatayuan niya ng junk shop na pamana rin sa kanya ng kanyang tiyo.Namulatan na niya ang negosyong ito at nasubaybayan sa kanyang paglaki.Marahil iyon ang dahilan kung bakit sa kanya ipinamana ang junk shop. Habang lumalago ang kanilang negosyo, napag-aral niya ang kanyang mga anak at muling nakapagpatayo pa muli ng isang negosyo na isang sari sari store.

Nang makatapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak, naging inspirasyon si Aling Trinidad sa pagpupursigi sa buhay at tinulungan nilang mapalago ng magulang nila ang Junk shop na nauna nilang negosyo. Sa tulong at pagpupursigi ni Aling Trinidad ay nakapagpundar sila ng isang napakalaking bahay. Marami pa silang mga ari-arian na napundar tulad ng mga kotse, tatlong lupain, mga truck at isang computer shop.

G. Metodolohiya

Sa pagdaloy namin sa aming pag-aaral kami ay nakapagsagawa ng isang interbyu para mas mapalago pa ang aming kaalaman tungo sa pamagat na rugs to riches. Ang aming ininterbyu ay siyang naging pangunahing pinagkukuhanan namin ng mga impormasyon tungkol sa kung ang naging kwento ng kanyang buhay. Maliban pa sa pagiinterbyu ay nakapagsagawa rin kami ng iba’t ibang pananaliksik na maaring nanggaling sa internet at mga libro man.

H. Saklaw/ Deliminasyon:

Sa aming pagsasaliksik ang amin lamang pinag-tuunan ng pansin ay tanging ang mga pag-aaral lamang sa buhay ni Aling Trinidad Climaco at iba pang mga konsepto na may kinalaman sa paggawa ng research o pag-aaral.

Petsa
Layunin
Disyembre
Pagkalap ng mga impormasyon sa paksa na pag-aaralan
  • a.pag-interbyub.
  • Pagkuha ng mga impormasyon sa libro c.
  • Pagkuha ng impormasyon sa internet
Enero
Pagpapaunlad ng mga nakalap na datos
Pagsasama-sama ng mga nakuha na datos at pagsasaayos nito para maisagawa ang research
Pebrero
Pagkatapos gawin lahat ng hakbang sa pag-aaral ay maari na ipasa ang nagawang pag-aaral.


I. Daloy ng pag-aaral

  • Ang unang kabanata ng aming pag-aaral ay tumatalakay sa paglalatag ng panukalang pahayag na nagpapaliwanag na sa basura man din ay may pera.
  • Sa pangalawang kabanata naman ay ang paglalatag ng mga suliranin o mga katanungan sa pagpapatuloy ng pag-aaral.
  • Sa pangatlong kabanata naman ay ang pagbibigay halimbawa at pagpapaliwanag na kung papaano ang rugs to riches na tao ay umaasenso.
  • Sa ika apat na kabanata naman tinutukoy kung saan nakakatulong ang pag- aaral.
  • Sa ika limang bahagi naman tinatalakay kung ano ang magiging halaga ng pag-aaral sa lipunan samantalang ang huling kabanata naman ay nagpapaliwanang kung hanggang saan ang magiging sakop ng naturang pananaliksik at kung ano ang iba pang magiging elemento na gagawin para mabuo ang at mapagtagumpayan ang pag-aaral.

II- Katawan

A. Small Panimula

Ang aming nainterbyu ay si Aling Trinidad Climaco. Siya ay nagmamay-ari ng isang Junk shop. Sa pagdaloy ng buhay niya marami ang nabago. Marami ang nangyari na nakapagpabago ng estado ng kanyang pamilya sa buhay. Sila Aling Trinidad ay yumaman. May 8 anak siya at sila ay nakatira sa Taytay, Rizal.

B. Small Katawan

Si Aling Trinidad Climaco kung iyong titignan ay napasimpleng tao lamang, pero nang siya ininterbyu naming ay nabago ang lahat. Unang kita naming sa kanya ay nakaupo lamang siya sa gilid na bahay tabi ng kanyang junk shop (isang maliit na kwarto) pero nang siya ay aming kinausap nalaman naming ang kanyang buhay, ang kanyang mga napagdaanan at higit sa lahat ang hirap na kaniyang dinanas. Si Aling Trinidad ay kasal kay Cesario Climaco. Magkasama silang nagtaguyod ng isang malaking pamilya na kinabibilangan ng 8 anak (6 lalake, 2 babae). Sila sina Sheryl, Shella, Julius, Jhony, Frank, Richard, Andy at isang ampon na si Karl Christian na pinaubaya sa kanya ng isang kaibigan. Dati silang nakatira sa Pinaglabanan, San Juan pero nang yumao ang kanyang tiyuhin ay ipinamana sa kanya ang dati ay maliit na junk shop na ngayon ay malaking negosyo na ni Aling Trinidad. Dito na niya lahat halos kinukuha ang pera na pangtustos niya sa pamilya niya at nang dahil sa pagpupursigi ay napatapos niya ang kanyang panganay at iba pang mga anak.

Ang mga anak niya ang tumulong sa kanya palaguin ang negosyo. Nagsimula sila bumili ng mga truck na ginagamit nila sa pangongolekta ng mga junk or scrap materials na mula pa sa iba’t ibang lugar. Ang bawat scrap ay may iba’t ibang halaga gaya ng mga sumusunod: karton P5.00, yero P1.50, plastic P10.00, papel P1.50, bote P8.00, dyaryo P7.00 at marami pang iba. Iyan ang ilan sa mga halimbawa na pinagmumulan ng kanilang kinikita. Habang tumagal ay nakabili na rin muli sila ng marami pang mga truck at masasabing lumalago talaga ang negosyo nila dahil maayos nila ito napapatakbo. Nakabili na rin sila ng ilang mga kotse at nabigyan na rin ni Aling Trinidad ang kanyang mga anak ng sariling kapital sa pagpapatayo ng kani-kanilang mga negosyo. Gaya ni Jhony siya ay nagtayo ng isang computer shop katabi ng sari sari store na kasabayan na rin itinayo ni Aling Trinidad.

Ngayon masasabing mapalad si Aling Trinidad sa tulong ng kanyang asawa at mga anak umunlad sila at ngayon ay nakatira sila sa isang napakalaking 3 storey na bahay. Isang napakalaking bahay na may napakalaki rin namang garahe sa tabi. May sariling gym, billiard table, terrace na puno nang mga mamahaling halaman at iba pang mga mamahaling kagamitan. Sa kanyang tagumpay,hindi siya naging mapagmataas, hindi niya kinakalimutan ang buhay niya noon,sa kabila ng patuloy na pagasenso ng kanyang negosyo ay mas pinili pa din niy ang payak na pamumuhay. Sa katunayan siya mismo ang nagbibilang ng nakalap na basura, kasama ang ibang mga tauhan.Tila nagbunga lahat ng paghihirap nila Aling Trinidad makikita mo sa huli na siya ay pinagpala ng Panginoong Diyos sa lahat ng kanyang kabutihang ginawa. Sa wakas natupad na rin ang kanyang mga dasal.

III- Wakas

A. Small Pangwakas

Ayon sa mga nakalap naming na mga datos ay 70% ng mga tao na nagtatayo ng junk shop ay umuunlad, ito ay dahil ang basura or mga scrap materials na kilala rin naman sa tawag na junk ay napapakinabangan din naman. Maraming tao ang maaring umangat kung susubukan at magtitiya lamang siya ay makakamit din niya ang kanyang mga ipinagdarasal gaya na nga sa istorya ng buhay ni Aling Trinidad. Isang napakalaking bagay ang determinasyon para makarating saan man nanaisin sa buhay.

B. Konklusyon

Sa aming pananaliksik ay natuklasan namin ang basurang itinatapon at itinuturing nating kalat sa kapaligiran ay napapakinabangan at nagiging kabuhayan ng iba. Si Gng. Trinidad Climaco ay isa sa mga napakinabangan at naging hanapbuhay ang basura, sa pamamagitan ng pagtatayo ng junk shop. Malaking tulong ang kabuhayang ito sa pamilya ni Gng. Climaco dahil napagaral niya ang kaniyang mga anak at nakapagpundar ng mga ari-arian.
Sa pagtatapos ng aming pananaliksik ay natutunan namin na ang mga bagay-bagay maliit man o malaki, malinis man o madumi—basura, ay maaaring makatulong sa atin upang makaahon sa kahirapan.

Kailangan din nating maging madiskarte sa buhay upang mapalago ang naipundar na kabuhayan. Higit sa lahat, ang walang kamatayang kasabihan na, “sipag at tiyaga ang puhunan”.

C. Rekomendasyon

Magkaroon ng sipag at tiyaga sa sarili at makakamit mo din ang iyong hinangangad. Tingnan lagi ang buhay na may ninanais makamit sa bawat araw araw. Huwag mawawalan ng pagasa sa sarili, sikaping makamit ang iyong hinahangad. Matutong maging creative sa lahat ng bagay,lalo na sa pagtatayo ng negosyo.Huwag palaging dumipende sa ibang tao, mayroong dumadating sa buhay natin na pagsubok na kailangan mong malampasan sa sarili mo lamang ng walang tulong. Isa isip palagi ang panginoong diyos,at magtiwala, palaging tandaang ilagay natin siya sa ating puso at isipan.

MGA MANANALIKSIK:

  • Ma. Gwen De Guzman
  • Elyza Esquivel
  • Glovylyn Manalo
  • Dara Wynne Packay